Friday, February 15, 2008

Bachelor of Science in Kaplastikan

Bawat isa sa atin ay naghahangad ng masayang buhay eskwela. Buhay na minsan lang natin mararanasan sapagkat ang pag-aaral naman sa eskwelahan ay panandalian lamang. Sa araw-araw na pakikipagsapalaran natin sa paaralan, sari-saring tao ang nakakasalamuha natin. Iba't - ibang ugali, kulay at kultura. Ngunit masasabi ba natin na marami sa kanila ay totoong tao? Marahil hindi. Sadyang mahirap talaga ang gumalaw sa isang mundong hindi mo alam kung ang mga tao'y nagpapanggap lang.

KAIBIGAN? (OWS?)
Masyado naman sigurong boring ang buhay eskwela kung wala ka nito. Ewan ko nalang kung magiging masaya ka kung palagi kang mag-isa. Lahat tayo ay naghahangad ng makakasama. Mga makakasamang tunay at di ka iiwan sa ere. Ngunit paano kung malagay ka sa isang sitwasyong iniwan ka ng mga inaakala mong taong kaibigan mo? Masakit diba? Ang mga ganyang klaseng tao ay hindi na dapat pinakikisamahan. Kaibigan ka lang kung mayroon ka at magpupulasan naman kapag wala ka na. Mahirap iwasan ang mga ganitong uri ng LUMOT. didikit lang yan sayo ng didikit pero ang payo ko, bago mo ituring na kaibigan ang isang tao, kilalanin mo muna siya ng mabuti.

FEELING CLOSE
Kahit saan ka mapadpad ay marami nyan. Sa kumonidad, sa trabaho o sa paaralan mismo. Isang halimbawa dyan ang mga estudyanteng walang ginawa kundi ang dumikit ng dumikit sa mga guro at nag-fefeeling-feelingang mataas. Marahil isa nila itong paraan upang magyabang o maglabas ng galong-galong hangin. Sa pakikisalamuha natin sa mga tao, marami ang feeling close. Feeling close sayo dahil feeling nila ay may mahihita sila sa pakikisama sayo. Pero mag-ingat ka sapagkat para silang langaw na may taglay na bacteria.

SUGAPA SA PAPURI
Tulad ng mga di totoong kaibigan at mga feeling close, napakarami din nyan sa ating bansa. Maraming tao ang pilit pinagtatakpan ang kanilang mga kabulukan at pilit inihahayag na marami silang nagawang puno ng katuturan. In fact, ang ipinapakita nila na maayos ang daloy ng kanilang samahan pero sa likod nito, sila mismo ay panay ang siraan. Hangad lang nila ang MAPURI sa kanilang ginagawa ngunit ang totoong paglilingkod para sa bayan ay wala sa kanilang kaibuturan.

ISANG BALDENG KAPLASTIKAN
Napakarami din nyan. ewan ko ba kung bakit dumarami sila ng dumarami pero hindi naman sila nanganganak. Sila ang mga taong pag kaharap mo ay tuwang-tuwa sayo pero pag talikod mo eh ayun... tuwang-tuwa parin!-- na ikaw ay patayin. Di mo lang alam, panay na ang pagdurugo ng likod mo pare! matagal ka na nilang sinasaksak. Para silang sipon na ang bilis kumalat kaya ang payo ko sayo kung may na-eencounter kang mga ganitong tao, iwasan mo nalang!!! wala ka kasing pwedeng gawin kundi yun lang!!!!!!!

I DERPOR KON KLUD DAT:
Ang pakikisama sa kapwa ay mahalaga pero kung sinisira ka na nila, wag mong hayaang sirain ka. , pare...lumaban ka!

99% Bukas ang isip

Sa mabilis na pag-unlad ng mundo ngayon tingin nyo ba malawak na ang pang-unawa ng mga tao ngayon? Pwes kung ang sagot mo ay oo, mag-isip ka uli. kahit na moderno na ang panahon ngayon marami pa rin sa atin ang mga SARADO ang isip. Mga taong naka kulong pa rin sa rehas ng kakitiran ng utak. oops walang magagalit... Alam kong nagtataasan ang mga kilay nyo ngayon pero sa totoo lang marami dyan. Pwedeng nasa kanan o sa kaliwa o baka ikaw na yon. Oo marami sila, nagkalat sila at minsan kung sino ang inaakala mong nakakaintindi sila pang hindi. Nakakalungkot lang na nagkamali ang ilan ng pagpili sa kanila imbes na tumahimik na lang ay sila pa itong humila sa mga katuwang nila pababa. ang gusto ko lang naman na ipahatid ay ang katotohan at mga pinagsama-samang boses ng mayorya. Hindi ko gingamit sa kalokohan ang aking pagkakataon na mamahayag o kahit gamitin ito para manira. Nais ko ay ang pagbabago at kung ano ang nangyayari sa likod ng mga tugtugan at usapan. Sana maging bukas ang isip ng bawat isa hindi lamang liwanag ang nakikita pati na rin ang kadiliman na kakambal nito.
P.S.
Laging tandaan na "Ang mga opinyon ay malaya, ngunit ang katotohanan ay banal"
-E.pI.C.o